Father's Love (John 3:16)

Father's Love Letter

Sunday, September 18, 2011

What is Life?



ANO sANG IYONG BUHAY?
“Sapagka’t ano ba ang iyong buhay? Ito ay parang singaw, na lumilitaw sa kaunting panahon, at pagkatapos ay naglaho.” (James 4:14)
                “ Sapagka’t ang lahat ng laman ay gaya ng damo, at ang lahat ng kaluwalhatian ng tao ay gaya ng bulaklak ng damo. Ang damo ay nalalanta, at ang bulaklak nito ay nalalaglag:” (I Peter 1:24)
Ang buhay ay tunay na walang katiyakan, hindi ba? Maraming naghahangad ng mataas na pinag-aralan, mabuting gawain, maningning na kinabukasan at naghahangad din na makamit ang pinakamarangyang bagay na maibibigay ng sanglibutan; ngunit sa isang iglap ay ang buhay ay nakitil at nasumpungan niya na siya ay nasa kawalang hanggan. “Sapagkat  ano ba ang  mapapakinabang ng isang tao, kung makakamtan niya ang buong sanlibutan, at maiwawala ang kanyang sariling kaluluwa? o ano ba ang maibibigay ng isang tao na kapalit para sa kanyang kaluluwa?” (Matthew 16:26)
                Gayon pa ma’y kahit na ang buhay sa lupang ito ay walang katiyakan, nais ng Diyos na ipamahagi sa iyo ang buhay na may katiyakan at walang hanggan . Winika Niya sa atin ang Kaniyang Salita na ang buhay ay tulad ng singaw sapagka’t tayo nga’y nangagkasala laban sa Kaniya at ang ating ugnayan sa Diyos ay nabuwag. “Sapagka’t ang lahat ay nagkasala ; at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.”(Romans 3:23)
                Hindi lamang ang pakikipag-ugnay natin sa Diyos ang nabuwag kundi dapat pa nating pagbayaran ang ating mga kasalanan at ang kabayaran ay kamatayan na walang hanggang kaparusahan sa impiyerno. Ang kamatayan ay totoo sapagkat ang kasalanan ay totoo. “Sapagka’t ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapwa’t ang kaloob ng Diyos ay walang hanggang buhay sa pamamagitan ni  Jesu-Cristo na ating Panginoon.”(Romans 6:23)
                Iyong pansinin sa nauunang sitas na nagsasabi datapuwa’t ang kaloob na walang bayad ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa sinomang lalapit at tatanggapin Siya sa kaniyang puso. At ito ay maisasagawa lamang sa pamamagitan ng pananampalataya. Pananampalataya na tanging si Jesus lamang ang makapagliligtas ng iyong kaluluwa sa pagdurusa sa impiyerno, at Siya lamang ang makapagpapatawad ng iyong mga kasalanan. Hindi ka maliligtas sa pamamagitan ng iyong mabubuting gawa, ng iyong relihiyon o ng iyong sarili man sapagka’t  si Jesus lamang ang Tagapagligtas. “Sapagka’t sa biyaya ay naligtas kayo sa pamamagitan ng iyong pananampalataya; ay iyon ay hindi sa inyong mga sarili: ito ay kaloob ng Diyos: Hindi sa mga gawa, na baka ang sinuman ay magmayabang.”(Ephesians 2:8-9) “Sinabi ni Jesus sa kaniya,  Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay: walang taong makakalapit sa Ama, kundi sa pamamagitan Ko. (John 14:6)
                Dapat nating alalahanin ang pag-ibig ng Diyos sa atin, na nagsugo sa Kanyang bugtong na Anak upang mamatay sa krus sa ikaliligtas natin sa ating mga kasalanan. Kung ikaw lamang ay magtitiwala sa Kanya, ipapahayag ang iyong mga nagawang kasalanan at hihingi sa kanya ng kapatawaran, Siya ay nakahandang patawarin ka at pagkalooban ka ng buhay na walang hanggan. “Kung ipinahahayag natin ang mga kasalanan, ay matapat at matuwid Siya upang patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at upang linisin tayo mula sa lahat ng di-pagkamatuwid” (I John 1:9) “Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo na sumasampalataya sa pangalan ng Anak ng Diyos; upang inyo nawang malaman na kayo ay may walang-hanggang buhay, at upang kayo nawa ay manampalataya sa pangalan ng Anak ng Diyos.” (I John 5:13)
                Sa iyo kaibigan, tatanggapin mo ba si Cristo sa iyong puso? Maisasagawa mo ito ngayon. Kung nais mong tanggapin Siya  kaibigan  sa iyong puso ay wikain mo ito. Panginoong Jesus, nalimi ko na ako ay isang makasalanan at nakatakdang mabulid sa impiyerno. Akin pong pinagsisihan ang aking mga kasalanan at tinatanggap kita na sarili kong Tagapagligtas at Panginoon sa pamamagitan ng pananampalataya. Maraming salamat Panginoon sa pagpapatawad mo sa akin at sa pagkakalinis mo sa aking mga kasalanan at sa pagkakaloob mo sa akin ng buhay na walang hanggan. Ito po ang aking samo’t dalangin sa  pangalan ni Jesus na aking Tagapagligtas, Amen.
                Kung nais mo kaibigan na marami pang malaman tungkol sa Kaniya at sa Kaniyang Salita, ay iyo lamang ipabatid sa amin at kami ay magagalak na paabutan ka pa ng maraming kaalaman.(Bible Baptist Mission of Lingayen,Pangasinan).

0 comments:

Post a Comment

To Rescue a Sinner Like Me